Mga Post

Paano mag-laro ng Game apps sa computer

Imahe
Hello... Gusto ko lang i-share kung paano ako nakakapag-lalaro ng mga game apps na gamit lang ang laptop ko... (hindi ito sponsored, paid advertisement o kung ano pa man...wala lang masulat sa blog ko, at nag  mamarunong lang ako, char.....) -Una, puntahan niyo ang site na ito at i-download ang ang android emulator nila. http://www.koplayer.com/ ...Sa akin, gumagana eto ng maayos sa laptop ko. Pero baka sa ibang laptop hindi... Tignan niyo rin kung compatible yung emulator sa system na ginagamit niyo, kung pang Windows(xp,7,8,10) ba yan o pang Mac.. ....Puwedeng puntahan niyo ang site na'to para tumingin pa ng ibang android emulator na angkop sa laptop o desktop niyo...may review na yang kasama... http://www.androidcrush.com/best-android-emulator-for-pc-windows/ -Pangalawa, pagka-download, iinstall niyo ito at pagkatapos ang mga prosesong eto, puwede niyo na siyang buksan... -Pangatlo, sa Ko Player, mag lo-login muna kayo sa google play store(kung wala...

Limang Bagay na kinaiinisan ko sa aking Ina, pero....

(Note: Basahin muna ng buo ang essay na ito bago mag-komento ng kung anu-ano –ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano, ang daming ano, anuhin niyo na lang...este basahin niyo na lang...pleaaaaaase.) Hindi naman sa may tampo o may galit ako sa nanay ko(konti lang...joke). Mahal ko naman siya, kaya lang, may mga bagay na kinaiinisan ko sa kanya, tulad ng: ·          Mahilig siyang mang-utos... ·          Parang sirang plakang mag-bilin... ·          Sinesermonan ako... ·          Pinapakialamanan ako at sa mga ginagawa ko... ·          At sobrang mag-alala... Pero, hindi niya eto ginagawa dahil trip lang niya o dahil ginagawa ng ibang magulang gagawin din niya(ano to! Nakikiuso lang, kaloka). Ginagawa niya ang mga to dahil....   ·    ...

GWIYOMI: “ANG REYNA AT AKO” NASA GMA 7 NA

Imahe
When past meets present, may future kaya?” yan ang bagong tag-line para sa isa na namang aabangan na koreanovela sa GMA 7. Ito ang Queen and I o mas kilala sa title na Queen In-Hyun’s Man na pinagbibidahan nila Ji Hyun-Woo at Yoo In-Na.  Si Ms. Yoo In-Na ay gaganap bilang Regine Choi, isang “unknown actress” na mabibigyan ng big break upang gumanap na Queen In-hyun para sa bagong tv drama. Una nating nakita si Ms. Yoo In-Na sa Greatest Love (ang papalitan ng programang ito) bilang Claire.   Si Ji Hyun-Woo ay gaganap bilang Kim Boong-Do, isang iskolar at taga-suporta ni Queen In-hyun noong Joseon Dynasty. Dahil sa isang talisman, nabigyan siya ng kakayahan makapag-lakbay sa hinaharap at kaya din naman niyang bumalik sa panahon niya sa pamamagitan ng isang “chant”.   Makikigulo din sina: Dominic (nasa kaliwa at ginagampan ni Kim Jin-Woo), dating boyfriend ni Regine at isang sikat na artista at si Sheena (nasa kanan at gagampanan ni Ga Deuk-Hi), manage...

MY LIFE: Affidavit of Loss

Imahe
Ngayon ay 10/18/11, Martes.  Ngayon lang ulit ako nakasulat dito dahil ang daming ginagawa sa school( sa madaling salita, busy). Buti na lang sem-break ngayon, kaso kailangan kong gumawa ng affidavit of loss. Nawala kasi ID ko, daming ka artihan na kailangan. Share ko lang ito kung paano gumawa ng affidavit of loss. Sana makatulong ako.

"MY LIFE": Stressful Tuesday

Hi sa lahat, ngayon ay 09/13/11. Nakakastress ang araw na ito, biruin niyo, naging group leader pa ako sa project namin. Ayaw ko pa naman na may masyadong responsibilidad. Tapos madami pa akong gagawin. Buti na lang nakita ko ulit yung binibilhan ko ng anime figures sa bangketa, kahit papaano na alis ang stress ko. Nakakatulong ang mga koleksyon kong laruan para mabawasan yung sobra kung pag-iisip sa isang bagay. Hanggang dito muna, gagawa na ako ng assignment. Good luck sa akin. 

'MY LIFE': An Ordinary Monday

Hello muna sa lahat, matagal na rin ako na hindi nakakapag post sa blogger. Kaya napag-isipan ko na gumuwa mo na ng parang diary ko(biruin nyo, ngayon ko lang naisip yun)  Sisimulan ko ngayong Lunes, 09/12/11 Haiz, wala muna akong pasok sa araw na ito, hindi ko nga alam ang gagawin ko sa araw na ito. Di pa tapos ang homework ko sa Math, pero as usual sa estudyante, tinatamad gawin at hindi ko alam ang solution dun sa problem(ang dami na nga kasing problema sa mundo, nandagdag pa). Kaya ang unang kong ginawa(siyempre dumilat muna ako at bumangon) ay nanuod ng cartoons na Avengers. Mas hilig ko manuod ng cartoons at anime dahil para sa akin, mas nakakawala ng stress ang mga ganitong palabas dahil light lang yung story at hindi masyadong madrama(ang pinag pareho lang naman ng drama at anime or cartoons ay minsan ay o.a). Habang nanunod ako, biglang pumasok sa  isip ko yung isang sentence na nabasa ko sa k-zone(magazine siya para sa mga batang lalake) sa comics section nila. An...

“ANG PITAKA”

Una muna sa lahat, maraming salamat sa mga nakabasa ng una kong sinulat at sana nagustuhan ninyo. Napapansin ko lang na ang kahulugan ng salitang pag-ibig ay hinahambing sa maraming bagay para maintindihan natin ang ibig-sabihin ng pag-ibig sa iba’t-ibang sitwasyon. Ang pag-ibig ay simpleng salita lang pero maraming kahulugan. Para sa akin, maihahambing ko ang pag-ibig sa isang pitaka. Bakit? Gusto ko lang. Biro lang yun. Kasi kapag mayroon tayong pitaka, siyempre dun natin nilalagay ang lahat ng perang dadalhin natin. Kaya kapag nasa labas tayo, kampante tayong gumastos dahil dala natin ang ating pitaka. Pero kapag ito ay nawala o may nang snatch ng pitaka natin, hindi natin alam kung ano ang gagawin natin at malamang hindi natin alam kung paano tayo makakauwi. Ganun din sa pag-ibig. Kapag mayroon tayong ka-relasyon, binibigay natin ang lahat ng ating pagmamahal sa taong iyon. Kaya kampante tayo o hindi kaya umaasa tayo na hindi tayo iiwanan ng taong ito dahil binigay na natin ang...