GWIYOMI: “ANG REYNA AT AKO” NASA GMA 7 NA


When past meets present, may future kaya?” yan ang bagong tag-line para sa isa na namang aabangan na koreanovela sa GMA 7. Ito ang Queen and I o mas kilala sa title na Queen In-Hyun’s Man na pinagbibidahan nila Ji Hyun-Woo at Yoo In-Na. 



Si Ms. Yoo In-Na ay gaganap bilang Regine Choi, isang “unknown actress” na mabibigyan ng big break upang gumanap na Queen In-hyun para sa bagong tv drama. Una nating nakita si Ms. Yoo In-Na sa Greatest Love (ang papalitan ng programang ito) bilang Claire.


 Si Ji Hyun-Woo ay gaganap bilang Kim Boong-Do, isang iskolar at taga-suporta ni Queen In-hyun noong Joseon Dynasty. Dahil sa isang talisman, nabigyan siya ng kakayahan makapag-lakbay sa hinaharap at kaya din naman niyang bumalik sa panahon niya sa pamamagitan ng isang “chant”.

 




Makikigulo din sina: Dominic (nasa kaliwa at ginagampan ni Kim Jin-Woo), dating boyfriend ni Regine at isang sikat na artista at si Sheena (nasa kanan at gagampanan ni Ga Deuk-Hi), manager at kaibigan ni Regine.









Ang Queen and I (note: hindi ito continuation o imitation ng princess and I, basta wala silang connect, gets?!) ay isang “koreanovela” na kabilang sa tinatawag ko na “time-travelling love story” kung saan ang bida ay may kakayahang maglakbay sa anumang panahon at makikilala niya ang kanyang mamahalin pang habang-buhay pero as usual, magkakaroon din ng conflict dahil magkaiba sila ng pinang-galingang panahon. Noong nakaraang taon ay parang nauso ang ganitong istorya sa korea, tulad ng Rooftop prince na pinalabas sa ABS-CBN kamakailan lang, at nang Time slip Dr. Jin at Faith (pinagbibdahan ni Lee Min-Ho).

 Nag-click naman ang mga ito, hindi lang sa mga korean’s, pati narin sa mga taong nasa ibang bansa na mahilig sa Korean drama (isama niyo na ang nanay ko). Pero, bakit nga ba tinatangkilik ang mga ganitong palabas?

 Siguro, dahil sa kagustuhan natin na manipulahin ang oras, kung magkakamali, puwede nating baguhin o kaya puwede tayong bumisita sa hinaharap at silipin at kung anong mangyayri sa atin. At siguro plus factor narin ang love story sa pagitan ng magkaibang tao sa magkaibang panahon.

 Kahit ano man ang dahilan, ang importante ay may natutunan tayo sa ganitong palabas, yun ang pahalagahan natin ang mga oras na binibigay sa atin.

Bago ko tapusin ito, magbibigay ako ng summary at kunting opinyon sa Queen and I. Ang palabas na ito ay naka focus sa bida natin na si Kim Boong-Do ng Joseon Dynasty, iskolar at taga-suporta ni  Queen In-Hyun. 

Dahil sa pagmamahal ni Yoon-Wol (isang gisaeng) kay Kim Boong-Do, sinusuportahan niya ito kahit na anong mangyari. Siya din ang nagbigay ng talisman kay Kim Boong-Do dahil naniniwala siya na ito ang poprotekta sa kanya sa anumang kapahamakan, pero natuklan ni Kim Boong-Do na higit sa proteksyon ang kayang ibigay ng talisman, kundi binigyan siya ng kakayahang pumunta sa hinaharap, pero ang kakayahang ito ay gagana lang kung nasa panganib amg may hawag nito. 

Dahil sa kapangyarihang ito, nakilala ni Kim Boong-Do si Regine; isang hindi sikat na artista sa panahon niya pero mabibigyan ng pagkakataon na sumikat dahil nakuha niya ang role na Queen In-Hyun sa isang bagong tv drama sa tulong ng ex-boyfriend niya si Dominic, isang sikat na artista at siya ang leading actor sa palabas na yun.

 Dahil sa natuklasan ni Kim Boong-Do tungkol sa talisman, ginamit niya ito para baguhin ang nakaraan at sabay nito ay tinutulungan niya si Regine sa history ng Joseon Era para sa kanyang role. Siyempre, katagalan ay ma-dedevelop sila sa isa’t-isa at magkakaroon ng mga problema dahil sa talisman. Hanggang diyan muna, at bibitinin ko muna kayo dahil mas magandang panuorin niyo.

 Ngayon sa review. Base sa napanuod ko at sa opinion ko, isa ito sa mga korenovela na dapat panuorin at hindi dapat palampasin dahil sa maraming aspeto. Ang istorya ay pinag-isipan ng mabuti, lahat ng mga eksena ay may sense at kailangan tutukan ng maigi dahil maraming conflict ang mangyayari kaya di patay yung istorya, sa madaling salita maraming mangyayari sa kuwento. 

At isa sa mga nagustuhan ko ay yung pagkakatagpi ng istorya, mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan, parang dalawang mag-kaibang istorya sa isang drama. At ang isa bang nagustuhan ko yung editing, maganda yung paggamit nila ng split screen sa bawat eksena na ginagawa nila at yung ibang editing effects ay nagpadagdag pa ng kulay sa palabas.

 Yung love team ng dalawang lead actors ay swak naman, maganda naman ang chemistry nila kay nag-ciclick din yung mga sweet moments na ginagawa nila. Ang ayaw ko naman ay yung pagpapalit ng camera angle sa bawat sentence o word na sinasabi ng mga character. Kapag sobra sa mga camera angle, masakit na sa mata.

 Pero overall para sa akin sulit naman panuorin at disayang sa oras, pero sasabihin ko na ng maaga, para sa kin, yung ending, napaka cheesy, kung sa iba tingin nila napaka sweet, sa akin, sobrang cheesy, bilang isa ng lalaki. Pero ayos naman.

 Gusto niyo malaman kung ano ang ending, puwes subaybyayan niyo mula sa simula hanggang sa katapusan ang Queen and I na ipapalabas na mamayang gabi pagkatapos ng Love and Lies tuwing lunes hanggan Huwebes.

      



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

“ANG PITAKA”

MY LIFE: Affidavit of Loss

Limang Bagay na kinaiinisan ko sa aking Ina, pero....