Paano mag-laro ng Game apps sa computer



Hello...

Gusto ko lang i-share kung paano ako nakakapag-lalaro ng mga game apps na gamit lang ang laptop ko...
(hindi ito sponsored, paid advertisement o kung ano pa man...wala lang masulat sa blog ko, at nag  mamarunong lang ako, char.....)

-Una, puntahan niyo ang site na ito at i-download ang ang android emulator nila.
http://www.koplayer.com/


...Sa akin, gumagana eto ng maayos sa laptop ko. Pero baka sa ibang laptop hindi... Tignan niyo rin kung compatible yung emulator sa system na ginagamit niyo, kung pang Windows(xp,7,8,10) ba yan o pang Mac..

....Puwedeng puntahan niyo ang site na'to para tumingin pa ng ibang android emulator na angkop sa laptop o desktop niyo...may review na yang kasama...
http://www.androidcrush.com/best-android-emulator-for-pc-windows/

-Pangalawa, pagka-download, iinstall niyo ito at pagkatapos ang mga prosesong eto, puwede niyo na siyang buksan...

-Pangatlo, sa Ko Player, mag lo-login muna kayo sa google play store(kung wala pa, mag-sign up muna kayo) at i-click niyo yung google play store app at puwedeng mag-search na kayo ng kahit na anong app na gusto niyo(games, video editing, basta kahit ano, ikaw na bahala)

...Sana makatulong eto sa inyo at sa mga taong hanggang ngayon wala paring android or smart phone sa kanilang buhay...Cheers.....

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

“ANG PITAKA”

MY LIFE: Affidavit of Loss

Limang Bagay na kinaiinisan ko sa aking Ina, pero....