Limang Bagay na kinaiinisan ko sa aking Ina, pero....



(Note: Basahin muna ng buo ang essay na ito bago mag-komento ng kung anu-ano –ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano-ano, ang daming ano, anuhin niyo na lang...este basahin niyo na lang...pleaaaaaase.)
Hindi naman sa may tampo o may galit ako sa nanay ko(konti lang...joke). Mahal ko naman siya, kaya lang, may mga bagay na kinaiinisan ko sa kanya, tulad ng:
  • ·         Mahilig siyang mang-utos...
  • ·         Parang sirang plakang mag-bilin...
  • ·         Sinesermonan ako...
  • ·         Pinapakialamanan ako at sa mga ginagawa ko...
  • ·         At sobrang mag-alala...

Pero, hindi niya eto ginagawa dahil trip lang niya o dahil ginagawa ng ibang magulang gagawin din niya(ano to! Nakikiuso lang, kaloka). Ginagawa niya ang mga to dahil....  
·        
  •  para malaman ko na kaya ko palang gawin  ang mga bagay na ito at kaya ko rin pala maging responsableng tao(yes!!! tao pala ako).
  • ·         para isa-isip at isa-puso ko kung ano ang tama at mali at kung ano ang dapat  gawin sa mga sitwasyon na yun(In fairness, wala akong masabi dito, moving on).
  • ·         para matuto ako sa mga pagkakamali ko at para di na gawin o maulit pa o hangga’t  maari maiwasan na.
  • ·         para malaman ko kung ano ang dapat o hindi dapat gawin at gusto lang niya ibahagi ang opinyon niya bilang isang ina.
  • ·          para ipaalala sa akin na may nagmamahal sa akin at may nanay ako.
  
Ginagawa niya ang mga to hindi lang dahil anak niya ako, hindi dahil responsibilidad niya ako, at hindi rin dahil no choice siya. Ginagawa niya eto dahil, simple lang, mahal niya ako...

Kaya, Happy Mother’s Day sa lahat ng mga ina at nagpapakaina. At sa mga anak, i-appreciate niyo ang mga bagay na kinaiinisan niyo sa nanay niyo, dahil ginagawa nila eto dahil mahal nila kayo. At balang araw ma-mimis niyo rin yan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

“ANG PITAKA”

MY LIFE: Affidavit of Loss