“PANGARAP LANG KITA”

Mabuti pa sa lotto.. 
May pag-asang manalo... 
Di tulad sayo..impossible... 
Prinsesa ka..ako'y dukha 
Sa TV lang naman kasi may mangyayari 
At kahit mahal kita...wala akong magagawa 
Tanggap ko 'to aking sinta.. 
Pangrap lang kita... 


Ang hirap maging babae 
Kung torpe iyong lalaki 
Kahit may gusto ka...di mo masabi 
Hinde ako iyong tipong nagbibigay motibo 
Conservative ako kaya di maaari 
At kahit mahal kita...Wala ako magagawa 
Tanggap ko 'to aking sinta, pangrap lang kita 

At kahit mahal kita, 
Wala ako magagawa 
Tanggap ko 'to aking sinta, pangrap lang kita 

(Happee's part) 
Suiran wo hen ai ni 
Wo mei fenfa gaosu ni 
Wo xin zhong yi you oh ~ qinai 
Danshi shi wo de ai 

(Chito and Happee's part) 
At kahit mahal kita (da ai ni) 
Wala akong magagawa (wo zhen de mei fanfa) 
Tanggap ko 'to aking sinta 
Pangrap lang kita
[ From: http://www.metrolyrics.com/pangarap-lang-kita-lyrics-parokya-ni-edgar.html ]


Ito yung second sigle ng Parokya ni Edgar sa album nilang “Middle Aged Juvenile Novelty Pop Rockers” at kasama nilang umawit nito ay si Hapee Sy. Ang kantang ito ay tungkol sa Lalake at sa Babae na nahihiya o takot na sabihin o ipakita ang nararamdaman nila sa taong mahal nila. Sa madaling salita, Torpe.

Ano nga ba ang nagpapatorpe sa isang tao o bakit natatakot sila na ihayag na mahal nila ang taong yun.

Ang aking sasabihin ay sarili kong opinion at base na rin sa aking karanasan.

Kaya natotorpe ang lalake ay dahil sa maraming dahilan. Ang Una dito ay mataas ang paghanga nila sa babae, akala nila (o namin) na perpekto sila dahil ang lahat ng katangian ng hinahanap namin ay nasa kanila na, kaya ang iniisip namin ay mahirap silang abutin.

Pangalawa, dahil magkaiba ang aming katangian sa mga gusto naming babae kaya nawawalan kami ng tiwala sa sarili o “self-confident”. Halimbawa, maganda siya, panget ako, matalino siya, bobo naman ako, at ang klasik, mayaman siya, mahirap naman ako.

Pangatlo, ang gusto mong babae ay ang matalik mong kaibigan. Gusto mo na “More than friends” ang relationship mo sa kanya. Kaso, siyempre natatakot ka sa magiging resulta. Iniisip mo na baka hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa’yo at ang masaklap nito ay baka mailang siya sa’yo at baka masira ang pagiging magkaibigan ninyo at ayaw mong mangyari yun. Malamang.

At ang huli ay may kasintahan na siya.(natamaan yata ako). Siyempre, ano nga naman ang magagawa mo sa sitwasyong ito. Eh, di wala.

Sa tingin ninyo, mga lalake lang pa ang natotorpe? Sa tingin ko hindi. Pati babae natotorpe din. Parehas lang naman tayong tao, parehas tayo nang nararamdaman. At sa tingin ko(tingin ko lang), isa lang ang dahilan kaya natotorpe ang mga babae o ayaw nilang sabihin o ipahayag ang kanilang nararamdaman sa lalaking gusto nila dahil sa kadahilanang babae nga sila. Sa tingin nila na ang mga lalake o tayo dapat ang unang magbigay ng motibo o gumawa ng “first move”, kahit sabihin na natin na imposible gumawa ng unang hakbang yung lalaking gusto nila sa kadahilanang hindi naman sila gusto. At umaasa parin sila.

Ang torpe ay walang pinag-kaiba sa takot. Takot tayong mareject, masaktan, umasa, o takot tayong may mawala. At sino naman an gamy gusting mangyari yun. Siyempre Wala!!! Pero, may nagsabi sa akin na “Love is like a Gamble”. Kailangan mong sumugal kung gusto mong manalo at kung matalo, at least sinubukan mo, sabi nga “It’s better to try and fail than fail to try”.(tama kaya ang English Ko?) At sabi nga sa isang comment sa youtube sa kantang ito, kung tunay mo ngang mahal ang isang tao, gagawin mo ang lahat ng paraan para sabihin lang sa kaniya na mahal mo siya. Wala namang imposible sa buhay, magtiwala ka lang sa sarili mo at hindi sa ibang tao. Ano naman kung panget ka, mahirap ka, bobo ka, kung kaibigan mo siya o kung may siyota siya o kahit babae ka, ang mahalaga ay nasabi mo ang gusto mong sabihin sa taong mahal mo. At malay mo, mag-iba ang ikot ng mundo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

“ANG PITAKA”

MY LIFE: Affidavit of Loss

Limang Bagay na kinaiinisan ko sa aking Ina, pero....