Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2011

MY LIFE: Affidavit of Loss

Imahe
Ngayon ay 10/18/11, Martes.  Ngayon lang ulit ako nakasulat dito dahil ang daming ginagawa sa school( sa madaling salita, busy). Buti na lang sem-break ngayon, kaso kailangan kong gumawa ng affidavit of loss. Nawala kasi ID ko, daming ka artihan na kailangan. Share ko lang ito kung paano gumawa ng affidavit of loss. Sana makatulong ako.

"MY LIFE": Stressful Tuesday

Hi sa lahat, ngayon ay 09/13/11. Nakakastress ang araw na ito, biruin niyo, naging group leader pa ako sa project namin. Ayaw ko pa naman na may masyadong responsibilidad. Tapos madami pa akong gagawin. Buti na lang nakita ko ulit yung binibilhan ko ng anime figures sa bangketa, kahit papaano na alis ang stress ko. Nakakatulong ang mga koleksyon kong laruan para mabawasan yung sobra kung pag-iisip sa isang bagay. Hanggang dito muna, gagawa na ako ng assignment. Good luck sa akin. 

'MY LIFE': An Ordinary Monday

Hello muna sa lahat, matagal na rin ako na hindi nakakapag post sa blogger. Kaya napag-isipan ko na gumuwa mo na ng parang diary ko(biruin nyo, ngayon ko lang naisip yun)  Sisimulan ko ngayong Lunes, 09/12/11 Haiz, wala muna akong pasok sa araw na ito, hindi ko nga alam ang gagawin ko sa araw na ito. Di pa tapos ang homework ko sa Math, pero as usual sa estudyante, tinatamad gawin at hindi ko alam ang solution dun sa problem(ang dami na nga kasing problema sa mundo, nandagdag pa). Kaya ang unang kong ginawa(siyempre dumilat muna ako at bumangon) ay nanuod ng cartoons na Avengers. Mas hilig ko manuod ng cartoons at anime dahil para sa akin, mas nakakawala ng stress ang mga ganitong palabas dahil light lang yung story at hindi masyadong madrama(ang pinag pareho lang naman ng drama at anime or cartoons ay minsan ay o.a). Habang nanunod ako, biglang pumasok sa  isip ko yung isang sentence na nabasa ko sa k-zone(magazine siya para sa mga batang lalake) sa comics section nila. An...

“ANG PITAKA”

Una muna sa lahat, maraming salamat sa mga nakabasa ng una kong sinulat at sana nagustuhan ninyo. Napapansin ko lang na ang kahulugan ng salitang pag-ibig ay hinahambing sa maraming bagay para maintindihan natin ang ibig-sabihin ng pag-ibig sa iba’t-ibang sitwasyon. Ang pag-ibig ay simpleng salita lang pero maraming kahulugan. Para sa akin, maihahambing ko ang pag-ibig sa isang pitaka. Bakit? Gusto ko lang. Biro lang yun. Kasi kapag mayroon tayong pitaka, siyempre dun natin nilalagay ang lahat ng perang dadalhin natin. Kaya kapag nasa labas tayo, kampante tayong gumastos dahil dala natin ang ating pitaka. Pero kapag ito ay nawala o may nang snatch ng pitaka natin, hindi natin alam kung ano ang gagawin natin at malamang hindi natin alam kung paano tayo makakauwi. Ganun din sa pag-ibig. Kapag mayroon tayong ka-relasyon, binibigay natin ang lahat ng ating pagmamahal sa taong iyon. Kaya kampante tayo o hindi kaya umaasa tayo na hindi tayo iiwanan ng taong ito dahil binigay na natin ang...

“MAHIYAIN”

Gusto ko lang ibahagi sa inyo ito kasi wala naman ako mapagsasabihan at ayaw ko talagang sabihin ang aking problema sa mga magulang at sa mga kaibigan ko. Kaya idadaan ko na lang sa pagsusulat. Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal, nagiging mahiyain ako. Nasa second year college na ako pero mahiyain parin ako na hanggang dumating sa punto na ayaw ko nang pumasok at ayaw ko naring makasalamuha sa mga tao. Mas gusto ko pang nasa bahay lang ako. Eto siguro ang epekto ng pagiging “only child” ko(sa tingin ko lang). Kasi sanay lang akong mag-isa. Mag-isa sa buhay at sa bahay. Ang aking mga magulang ay laging wala sa bahay dahil nasa trabaho sila. Ang aking ama ay isang OFW at ang aking ina ay isang “government employee” at lagi siyang nag-oovertime, kahit nga Sabado pumapasok parin siya, kaya ako lang ang mag-isa sa bahay. Wala kaming kasambahay dahil hindi lang mahirap maghanap ng mapagkakatiwalaan na kasambahay, kundi hindi sila tumatagal sa bahay. Pero hindi dahil sa amin, kundi da...

“PANGARAP LANG KITA”

Imahe
Mabuti pa sa lotto..  May pag-asang manalo...  Di tulad sayo..impossible...  Prinsesa ka..ako'y dukha  Sa TV lang naman kasi may mangyayari  At kahit mahal kita...wala akong magagawa  Tanggap ko 'to aking sinta..  Pangrap lang kita...  Ang hirap maging babae  Kung torpe iyong lalaki  Kahit may gusto ka...di mo masabi  Hinde ako iyong tipong nagbibigay motibo  Conservative ako kaya di maaari  At kahit mahal kita...Wala ako magagawa  Tanggap ko 'to aking sinta, pangrap lang kita  At kahit mahal kita,  Wala ako magagawa  Tanggap ko 'to aking sinta, pangrap lang kita  (Happee's part)  Suiran wo hen ai ni  Wo mei fenfa gaosu ni  Wo xin zhong yi you oh ~ qinai  Danshi shi wo de ai  (Chito and Happee's part)  At kahit mahal kita (da ai ni)  Wala akong magagawa (wo zhen de mei fanfa)  Tanggap ko 'to aking sinta  Pangrap lang kita ...