GWIYOMI: “ANG REYNA AT AKO” NASA GMA 7 NA
When past meets present, may future kaya?” yan ang bagong tag-line para sa isa na namang aabangan na koreanovela sa GMA 7. Ito ang Queen and I o mas kilala sa title na Queen In-Hyun’s Man na pinagbibidahan nila Ji Hyun-Woo at Yoo In-Na. Si Ms. Yoo In-Na ay gaganap bilang Regine Choi, isang “unknown actress” na mabibigyan ng big break upang gumanap na Queen In-hyun para sa bagong tv drama. Una nating nakita si Ms. Yoo In-Na sa Greatest Love (ang papalitan ng programang ito) bilang Claire. Si Ji Hyun-Woo ay gaganap bilang Kim Boong-Do, isang iskolar at taga-suporta ni Queen In-hyun noong Joseon Dynasty. Dahil sa isang talisman, nabigyan siya ng kakayahan makapag-lakbay sa hinaharap at kaya din naman niyang bumalik sa panahon niya sa pamamagitan ng isang “chant”. Makikigulo din sina: Dominic (nasa kaliwa at ginagampan ni Kim Jin-Woo), dating boyfriend ni Regine at isang sikat na artista at si Sheena (nasa kanan at gagampanan ni Ga Deuk-Hi), manage...