“MAHIYAIN”
Gusto ko lang ibahagi sa inyo ito kasi wala naman ako mapagsasabihan at ayaw ko talagang sabihin ang aking problema sa mga magulang at sa mga kaibigan ko. Kaya idadaan ko na lang sa pagsusulat. Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal, nagiging mahiyain ako. Nasa second year college na ako pero mahiyain parin ako na hanggang dumating sa punto na ayaw ko nang pumasok at ayaw ko naring makasalamuha sa mga tao. Mas gusto ko pang nasa bahay lang ako. Eto siguro ang epekto ng pagiging “only child” ko(sa tingin ko lang). Kasi sanay lang akong mag-isa. Mag-isa sa buhay at sa bahay. Ang aking mga magulang ay laging wala sa bahay dahil nasa trabaho sila. Ang aking ama ay isang OFW at ang aking ina ay isang “government employee” at lagi siyang nag-oovertime, kahit nga Sabado pumapasok parin siya, kaya ako lang ang mag-isa sa bahay. Wala kaming kasambahay dahil hindi lang mahirap maghanap ng mapagkakatiwalaan na kasambahay, kundi hindi sila tumatagal sa bahay. Pero hindi dahil sa amin, kundi da...