Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2011

"MY LIFE": Stressful Tuesday

Hi sa lahat, ngayon ay 09/13/11. Nakakastress ang araw na ito, biruin niyo, naging group leader pa ako sa project namin. Ayaw ko pa naman na may masyadong responsibilidad. Tapos madami pa akong gagawin. Buti na lang nakita ko ulit yung binibilhan ko ng anime figures sa bangketa, kahit papaano na alis ang stress ko. Nakakatulong ang mga koleksyon kong laruan para mabawasan yung sobra kung pag-iisip sa isang bagay. Hanggang dito muna, gagawa na ako ng assignment. Good luck sa akin. 

'MY LIFE': An Ordinary Monday

Hello muna sa lahat, matagal na rin ako na hindi nakakapag post sa blogger. Kaya napag-isipan ko na gumuwa mo na ng parang diary ko(biruin nyo, ngayon ko lang naisip yun)  Sisimulan ko ngayong Lunes, 09/12/11 Haiz, wala muna akong pasok sa araw na ito, hindi ko nga alam ang gagawin ko sa araw na ito. Di pa tapos ang homework ko sa Math, pero as usual sa estudyante, tinatamad gawin at hindi ko alam ang solution dun sa problem(ang dami na nga kasing problema sa mundo, nandagdag pa). Kaya ang unang kong ginawa(siyempre dumilat muna ako at bumangon) ay nanuod ng cartoons na Avengers. Mas hilig ko manuod ng cartoons at anime dahil para sa akin, mas nakakawala ng stress ang mga ganitong palabas dahil light lang yung story at hindi masyadong madrama(ang pinag pareho lang naman ng drama at anime or cartoons ay minsan ay o.a). Habang nanunod ako, biglang pumasok sa  isip ko yung isang sentence na nabasa ko sa k-zone(magazine siya para sa mga batang lalake) sa comics section nila. An...